KapitBahayan sa Pinagsabangan 1 Part 2
|Pinasabangan 1, Naujan– Sama sama na namang rumonda ang Batang Naujan upang maghatid ng tulong sa isa nating mga kababayan.
Nakatanggap ng tulong ang Pamilya Arpia sa pamamagitan ng Programang kapitBahayan ng nasabing grupo. Kung kaya kahapon ay sama-samang nagbayanihan ang rgupo kasama ang kanilang mga kabaranggay upang maitayo ang maayos na tahanan ng pamilya Arpia sa nasabing barangay.
Pangalawang bahay na ito na naitayo sa Brgy. Pinagsabangan.
Ang bahay ay naitayo sa pakikipagtulungan ng Barretto Family, Larry Estrella, Belen Medrano, Rhea & Lyric Dinglasan, Arians Bakery, Venus Marasigan, Josephine Miralles, Gerry Miralles, Maylene Villanueva, Benjie Garing, Peter Medrano, Renier Araja, JunJun Laylay, Bien Laylay, Erica Mae Bellucci, Edsel Genteroy, Rex Bautista lalo na kay Bb. Jayne Watiwat.
Naging pangunahing sponsor din sa nasabing aktibidad ang nagpakilala sa pangalang Katribu Mo.