Sino ang Batang Naujan?

Taong 2015 ng manalasa ang bagyong Nona sa bayan ng Naujan at probinsya ng Oriental Mindoro.  Bunga ng paghihirap na dinanas ng sambayanan, namulat ang mga anak ng Naujan sa mga isyung kinapapalooban ng bayan at ng mga mamamayan nito partikular sa usapin ng kalikasan at pamamahala. Bunga ng pagkamulat na ito, kusang-loob na nagsama sama ang mga taga-Naujan na nasa loob at labas ng bayan na magbigkis upang maiangat ang kanyang kolektibong pampulitikang kamulatan sa bayan, kalikasan at lipunan. At sa pamamagitan ng pagkakabuklod na ito, ipinanganak ang bagong samahan…

ang BATANG NAUJAN.

Kami ang

TAGAMASID

sa lahat ng mga pagmamalabis sa loob at labas ng aming pamayanan,

Kami ang

TAGABANTAY

ng kalikasan at korapsyon sa loob at labas ng pamahalaan,

Kami ang

PROMOTOR

ng mga sama-samang pagkilos tungo sa katuparan ng aming kolektibong adhikain,

Kami ang

BATANG NAUJAN

 

Walang Pinapanigan, Alagad ng Katotohanan.