KapitBahayan sa Pinagsabangan 1 Part 1
|Pinagsabangan 1, Naujan – Patuloy ang pag arangkada ng grupong Batang Naujan sa kanilang programang KapitBahayan.
Muli na namang nagtayo ng bagong bahay ang grupo para sa mga kababayan nating walang kakayanan. Ang pamilya tamayo ay may maliit na barung barong na nakatirik sa malapit sa ilog sa nasabing barangay. Lalo pang pinahirap ang kanilang sitwasyon ng hagupitin ito ng dalawang nagdaang bagyo. Kung kaya sila ang isa sa napiling maging isa sa mga recipient ng programang kapitBahayan ng Batang Naujan.
Sa ngayon ay matiwasay na sila sa kanilang bagamat maliit ay maayos at bagong tahanan.
Natuwa din naman ang lahat ng mga naroroon dahil binisita ang proyekto ng maybahay ng ating Punumbayan Mark marcos na sia Ms. Genievive Gida Marcos kasama ng mga staff ng munisipyo na sina Pogs Macatangay at Dennis Albufera.
Nagpapasalamat naman ang Batang Naujan sa Pasasalamat sa lahat ng Nakilahok na sinaAldrin Mendoza, Kimson Miralles, Ruby Ann Garing Aileen Garing, Phine Miralles, Cristy Garing, Marvin Garing, Benjie Garing, Remar Garing, Dayo Daring, Joselito Bonde, Michael Miranda, Tommy Garing at s lahat ng naghatid ng tulong gaya ng Ola Family, Arian’s Bakery, Deriquito Family para sa pagkain, Kon. Mapoy para sa toilet bowl, Rhea Padua Dinglasan para sa 2 kilo rice, Sir Del Dinglasan sa ilang kahoy, Medrano Hardware para sa 2 kilos pako, Jayne Watiwat para sa Gravel&Sand, JL Reyes para sa mga tarps, at Erica Mae W.Bellucci at Prescilla M.Watiwat para sa lot lease of 10 years.
Salamat din sa ating major sponsor na nagpakilalalang “Danemark” na nagbigay ng halagang 10K
Babangon ang Naujan, One Bahay at a Time.