Brigada Eskwela sa PES1

Pinagsabangan 1, Naujan – Sama samang nagtungo ang mga Batang Naujan-Pinagsabangan 1 Chapter sa pinakamalapit na paaralan sa kanilang lugar upang makipag Brigada Eskwela.

Nagpaunlak ang grupo sa nasabing barangay sa naunang paanyaya ng pamunuan ng Pinagsabangan 1 Elementary School upang makilahok sa Brigada Eskwela.

Game na game naman ang mga myembro ng nasabing grupo sa paglilinis ng nasabing paaralan bilang paghahanda sa darating na pasukan. Matatandaang ang Pinagsabangan Chapter ng isa sa pinaka aktibo sa hanay ng Batang Naujan.

Bukod pa dito, kahit matapos na ang Brigada Eskwela, nangako pa rin ang grupo na ipapagawa nila ang nasirang gate ng paaralan.