Wheelchairs Para sa May Kapansanan, Naihatid Na
|Naujan, Or. Mindoro – Dahil sa malasakit ng kani-kanilang guro, nahatiran na ng bagong wheelchairs ang dalawang kabataang may kapansanan sa magkaibang barangay sa bayan ng Naujan.
Matatandaang Disyembre noong nakaraang taon, lingid sa kaalaman ng mga magulang ng mga batang may kapansanan, kapwa lumapit ang kani-kanilang mga guro sa grupong Batang Naujan.
Sa ilalim naman nga kanilang Programang Sagip Kapatid, nakipag-ugnayan ang grupo sa mga mabubuting loob na myembro at taga suporta nito.
Maraming maraming salamat sa mga guro na syang nagbigay daan para maihatid ang tulong na ito para sa mga bata. Sa tulong ng kanilang mga bagong wheelchairs, kahit papaanoy mababawasan na ang alalahanin ng pamilya ng mga batang ito.
Si Bb. Lea Garillo ang syang lumapit para sa kapakanan ng batang si Jolina A. Colocar, 18 taong gulang na may Cerebral Palsy na taga Brgy. Evangelista. Isang malaking sorpresa ito para kay Jolina at kanyang pamilya kaya laking gulat nila ng dumating sa kanilang tahanan ang grupo ng Batang Naujan kasama ang nasabing guro.
Isang bagong wheelchair din ang naihatid sa batang si Mitch Janna S.Ocampo, 16 taong gulang na may Psychosocial at Orthopedic Disorder mula naman sa Brgy. Panikian. Ito naman ay sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan ng kanyang mga guro na si Bb. Eleanor Hernandez Ola ng Panikian Elementary School at SPED Teacher na si Bb. Charie Ann Delos Reyes.
At ngayon ngang naihatid na sa mga nasabing kabataan ang kanilang bagung bagong mga wheelchair, kitang kita sa kanilang mga ngiti ang kaligayahang hatid ng grupo kung kaya naman mas lalong tumaba ang puso ng ating mga volunteers sa paghahatid ng tulong.
Nagpapasalamat naman ang Batang Naujan sa mga nag sponsor ng nasabing mga wheelchairs na itago natin sa alyas na si Ms. London at si Bb. Christina Jayag-Goldoff, kay Lyn Chua para sa sasakyang ginamit paghahatid, at sa ating mga masisipag na volunteers na sina Bb. Jayne Watiwat, Benjie Garing, Josephine Miralles at Len Salcedo.