Tulong sa Mga Mag-Aaral na Mangyan

Brgy. Laguna, Naujan – Nagsadya kamakailan ang grupong Batang Naujan at ilang mga indibidwal sa Laguna National High School upang maghatid ng tulong sa ating mga Tadyawang Mangyan na mag-aaral. Matatandaang inilapit ng isang concerned citizen ang pangangailangan ng mga mag-aaral sa Batang Naujan.

At sa pangunguan nina Sir Jessie Navarro, Arvel Malubag at Batang Naujan Central Council Jayne Watiwat ang pangangalap ng tulong para sa mga nasabing mga mag-aaral. Nabiyayaan ang mga 30 mga mag-aaral ng mga school supplies, mga paying at iba pa. Kasalukuyan pa rin namang nakikipag ugnayan ang Batang Naujan upang mapagsikapan silang mabigyan ng sarili nilang Bangka na kanilang magagamit sa pagtawid sa ilog upang makapasok sila sa kanilang paaralan.

Nagpapasalamat naman ang mga mag-aaral kina Sir Jessie Navarro, Ms. Jayne Watiwat, Arvel Malubag, Rhoda Castillo-Palma, kay Macy Melgar Enriquez ng M.M. ENriquez Printshop & General Merchandise. Gayundin sa Batang Naujan Pinagsabangan 1 Chapter sa pangunguna ni Phine Miralles, Benjie Garing, Ruby Ann Garing, Frank Sahagun at VJ Canarias.

Pasasalamat din sa ating mga mabubuting mga kagawad ng Regional Mobile Police Battalion na sina PO1 Ronel C. Alcantara, PO1 Marco G. Ferrer, PO1 Cristian Mark L. Layron, PO1 Robert Jayson M. Fabebier, PO1 Neil Frederick Julius Umali at PO1 Ryan G. Villanueva.