SARILING CCTV SYSTEM SA BRGY. PINAGSABANGAN 1, PINASINAYAAN

Brgy. Pinagsabangan 1, Naujan – Matapos makabitan ng kanilang bagong CCTV system ang Brgy. Poblacion 2 kamakailan, pinasinayaan naman ng grupong Batang Naujan ang kanilang handog na bagong  CCTV system sa Barangay Pinagsabangan 1, sa bayan pa rin ng Naujan.

Matapos magpirmahan ng Memorandum of Agreement ang grupo at ang pamahalaang barangay nuong nakaraang Oktubre, tuloy tuloy namang ikinabit ng grupo ang 8-camera CCTV System na ngayon ay fully-operational na at pinakikinabangan na ng nasabing barangay.

Matapos ang proyekto ay inihatid ng Batang Naujan ang Ceertificate of Donation sa pamamagitan ni Bb. Jayne Watiwat, Komite Sentral member at Josephine Miralles, tagapangulo ng Batang Naujan sa nasabing barangay  kay Brgy. Pinagsabangan 1 Chairman Delmar Dinglasan.

Kasama sa nasabing donasyon ang mga sumusunod: 1 pc NVR 16 channels, 1 pc Surveillance HDD 2tb , 1 pc 19″ CCTV Mmonitor, 1 pc AC  M5 300 Antenna, 4 pcs M5300 Antenna, 8 pcs IP cam 2.0mp, 8 pcs Outdoor 2amp Power Supply, 4 pcs – Ports Switch Hub at 305 Meters Outdoor UTP Cable.

Ang nasabing CCTV system na may kabuoang halagang P128,000 ay inihatid ng grupo upang mas magabayan ang pamahalaang barangay sa kanilang seguridad at pangangalaga ng kanilang nasasakupan.

Naisakatuparan naman ang nasabing proyekto sa pamamagitan ng mahusay na pakikipag-ugnayan ng pamahalaang barangay sa pangunguna ni Kap. Delmar Dinglasan at Konsehal Medel Ola, at mga myembro ng Batang Naujan sa nasabing barangay sa tulong na rin ng mga myembro ng Batang Naujan na nag-ambag ambag para rito.

Laki namang pasasalamat ng barangay dahil napakalaking tulong umano nito sa kanilang peace and order program, bukod pa sa libre itong inihandog ng grupo.

Hanggat kaya po namin at hangga’t may mga taga suporta ang Batang Naujan, at tuloy tuloy lang po kami sa pagtulong,” ani Jayne Watiwat, Komite Sentral Member ng Batang Naujan.

Pinapasalamatan din ng grupo ang lahat ng sponsors at mga nakiisa na sina Anthony Ola,  Minerva Yumang, Imelda Abucal, Mary Ann Chua, mga opisyales ng barangay at mga myembro ng grupo sa nasabing barangay sa pangunguna ni Josephine Miralles.

Inaasahan namang bago matapos ang taon ay isa pang barangay sa bayan ng Naujan ang makakabitan ng kanilang sariling CCTV system mula pa rin sa naturang grupo. (30)