Relief Distribution sa San Antonio

San Antonio, Naujan – Umabot sa 100 pamilya sa nasabing barangay na nasalanta ng Bagyong Nona ang nahatiran ng tulong ng Batang Naujan.

Ang naturang Relief Mission ay sa pangunguna ng Batang Naujan na si Gay Adarlo at ng kanyang pamilya na syang nangasiwa ng pamimili, pagrerepack at pamamahagi ng mga nasabing mga relief bags.