Pamaskong Handog ng Batang Naujan, Ikatlong Taon Na
|San Andres, Naujan – Hindi alintana ang pagod at malayong lakarin, nagsama-samang muli ang grupong Batang Naujan upang makapaghatid ng kasiyahan sa kanilang mga kababayan sa ilalim ng kanilang programang Pamaskong Handog na nasa ikatloong taon na.
Ika-13 ng Disyembre sa pangunguna nina Edzel Genteroy, Buboy Jayag, JJ Bautista, Joanna Jayag, at Rex Bautista, pawang mga Batang Naujan- Poblacion kasama sina Dulce Dimaano, Adora, Baby Uy at Edison Lubasan, tinungo ng nasabing grupo ang Bucayao Grande Annex Elementary School na nasa malayong barangay ng San Andres Putik sa bayan pa rin ng Naujan.
Mahigit sa 125 na mag-aaral na pawang mga Mangyan ang nag-aaral sa nasabing paaralan. Kasama ring nahatiran maging ang mga mag-aaral na nasa day-care ng nasabingh barangay.
Napuno ng saya ang nagsilbing Christmas Party ng mga mag-aaral ng buong paaralan dahil bukod sa mga regalong bitbit ng grupo, halos maghapon ding nagkaroon ng mga palaro at papremyo ang grupo sa kanila. Sama-sama din silang nagluto at nagsalu-salo ng mainit na sopas na inihanda ng mga ito.
Naisakatuparan naman ang nasabing outreach dahil sa isang post sa kanilang facebook group page ng litrato ng mga mag-aaral na mangyan na pumapasok nasabing paaralan ng walang tsinelas.
Dahil dito, nakipag-ugnayan ang Batang Naujan sa mga opisyales ng nasabing barangay sa pangunguna ni Kap. Domingo Limbo at maybahay nito na si Ginang Leoncia Limbo at Prinsipal ng nasabing paaralan na si Madam Medette Matibag.
Nagpapasalamat naman ang grupo sa Chelsy Bites na syang nag ambag ng 100 pares ng tsinelas, kay Konshela Boy Laygo para sa jeep, sa Musa Banana Vinegar, sa Bubuyogskie Farm para sa mga organic products gaya ng Insect repellant at kung anu ano pa, kay Macy Enriquez sa dagdag na school supplies, at sa Batang Naujan-Cavite Chapter sa pagbibigay ng mga papremyong mga bags at mga hygiene kits.
Nangako naman ang grupo na magbabalik upang matulungan ang nasabing paaralan sa pagtatayo ng kanilang school stage na magpasa hanggang ngayon ay hindi pa rin naitatayo dahil sa kakulangan ng pondo.
Ang Pamaskong Handog Program ng nasabing grupo ay inihahatid nila taun-taun at ngayon nga ay nasa ikatlong taon na. naasahan namang masusundan pa ito sa iba pang piling mga paaralan ngayong kapaskuhan.