“May Apat Kami” sa Environmental Rally
|Calapan City– Umabot sa mahigit 600 na katao ang lumahok sa hanay ng Batang Naujan sa inorganisang malawakang pagkilos sa nasabing syudad upang magpakita ng suporta sa kalihim ng DENR na si Gina Lopez.
Kapansin pansin ang dami ng mga lumahok sa hanay ng nasabing grupo dahil bukod sa ang grupo nito ang pinakamarami ay kapansin-pansin din ang mga suot nitong itim na t-shirts at mga maskara. Mula sa hanay ng Batang Naujan ay uabot sa mahigit 400 ang lumahok habang sa kaalyadong grupo ng Laban ng Naujan Para sa Kalikasan na mula sa Naujan West at mga magsasaka mula sa bayan ng Baco ay ahigit 200.
Bitbit ng samahan ang “May Apat Kami” slogan na nagpapakita ng apat na hinaing ng mga mamamayan ng Naujan na bitbit nito sa nasabing malawakang pagkilos.
Naging matagumpay ang pagkilos na ito dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon na lumahok ang samahan sa isang pagkilos. Ito rin ang naging pagpapakita ng Batang Naujan ng pwersa nito. Ito matapos na maglabas ang samahan ng paunang statement na hindi ito dadalo sa naturang pagkilos bunga ng mga reserbasyon nito sa ibang mga kalahok na grupo na tumanggap ng 5M ayuda sa kumpanyang Sta.Clara, ang kumpanyang pangunahing sinisisi nito na naging dahilan ng malawakang pagbaha sa Naujan.
Subalit bunga ng paanyaya ng samahang ALAMIN na isantabi muna ang mga organisasyonal na pagkakaiba-iba, at ipakita muna ang kolektibong pagsuporta sa kalihm ng DENR, nagpaubaya muna ang grupo para sa mas nakararami.
Naging katawa-tawa naman ang mismong naging organisador ng nasabing pagkilos dahil sa nauna nitong pagmamaliit sa grupong Batang Naujan na umano ay aapat lamang ang mga kasapi. Malinaw na malakas ang pwersa ng mga mamamayan na may tunay na nmalasakit sa bayan at kalikasan. At kahit pa ang kapansin-pansin na pinakamalaki ang hanay ng grupo at mga maskarang suot suot nito, hindi pa rin nakuhang bigyan ng pagkakataon ang mga lider nito na makapagsalita sa naturang pagkilos.