KapitBahayan sa Riverside

Nag-Iba 2, Naujan – Isa na namang pamilya ang ating nabigyan ng tulong ng grupong Batang Naujan sa pamamagitan ng kanilag Programang KapitBahayan.

Ang pamilya Tabangay sa Brgy. Nag-Iba 2 ay may 10 anak na walang kakayanan sa buhay. Ang kanilang bahay ay matagal nang nasira ng mga nagdaang bagyo at sila ay walang kakayanan na magpagawa ng bago. Isang concerned citizen ang lumapit sa Batang Naujan upang sila ay makonsidera sa programa.

Salamat sa mga Batang Naujan Rex Bautista, Jessette Jayag Bautista, Buboy Jayag, Edzel Genteroy, Jayne Enyaj, Fredderick Mendoza at sa iba pang nagbigay ng tulong upang matapos ang bahay na ito para sa pamilya Mendoza.

Salamat din sa mga naging sponsors na nagpakilala lamang sa pangalang “Storm” at “Earthquake”.