KapitBahayan sa Nag-Iba 2 Part 1

Nag-Iba 2, Naujan – Pormal nag binuksan ng grupong Batang Naujan ang kanilang programa sa pabahay na KapitBahayan, One Bahay at a Time sa unang benepisyaryo sa Brgy. Nag-Iba 2 ng nasabing bayan.

Layon ng nasabing programa ang sama-samang magbalikatan at magtayo ng bagong tahanan para sa mga kababayang nasalanta ang bahay dulot ng mga bagyong nagdaan at walang kakakyanan magpaayos nito.

Unang nabiyayaan ang pamilya Obando ng nasabing barangay kung kaya laking tuwa ng pamilya sa biyayang ipinagkaloob ng grupo.

Nagpapasalamat naman sila sa lahat ng mga nakilahok sa pagtatayo ng kanilang bagong bahay sa grupong Batang Naujan kasama sina Bb. Christina Jayag-Goldoff, Jayne Watiwat, Rex bautista, Buboy Jayag, JJ Bautista, Joanna Jayag, Gade Ylagan, JA Geneta, Phine Miralles, Ruby Ann Garing, Ailyn garing, Cristy Garing alalong lalao na sa main sponsor na nagpakilalang si “Storm”.