KapitBahayan Mangyan 2
|Balite, Naujan – Isa na namang pamilyang Mangyan ang nahatiran ng tulong ng grupong Batang Naujan kahapon Nov. 18, 2017 sa nasabing barangay.
Madilim pa ay arangkada na ang grupo patungo ng Brgy. Arangin upang sama-sama na namang magbayanihan at itayo ang isang munting tahana sa pamilya Kalignayan ng nasabing barangay.
Matatandaang panagalwa na itong bahay na itinayo ng mga Batang Naujan para sa mga kapatid nating Mangyan at pang sampu naman sa pangkalahatan, sa ilalim pa rin ng programang KapitBahayan.
Pasasalamat sa lahat ng mga nagpagod at nagtulong-tulong upang maitayo ang bagong bahay ng pamilya Kalignayan sa pangunguna ni Bb. Jayne Watiwat, Mot Bunsoy at Ding Landicho kasama sina Remar Garing, Randy Arpia, Renier Araja, Ompong Garing, Phine Miralles, Rommel Padua, at isang nagngangalang Alvin.
Pasasalamt din sa ating sponsor na sina Carl at Flora Stefan.
Ang barangay ng Balite ang isa sa palagiang inaalalayan ng grupong Batang Naujan dahil isa ito sa madalas na binabaha at sya ring naging “ground zero” ng food posisoning kamakailan kung saan isa ang namatay at mahigit 40 iba pa ang naapektuhan.