Gift Giving sa Sitio Macangas

Sitio Macangas, Brgy. Bayani – Sama samang naghatid ng pahabol na Pamaskong handog ang Batang Naujan sa mga kapatid nating mga katutubo at tagalog sa Sitio Macangas, Brgy. Bayani kung saan nakapaghatid tayoi ng tulong sa mahigit 60 pamilya. Nagdala ng mga BN Bags ang grupo na may mga de lata, bigas, sardinas atbp.

Namahagi rin tayo ng mga tinapay, mga takure, kumot, mga tsinelas at mga gamot para sa ating mga kababayan. Kagaya ng dati, bukod sa soup kitchen, tinuruan din natin ang mga bata sa wastong paghuhugas ng mga kamay bago kumain. Nagkaroon din ng kaunting programa para sa lahat.

Salamat po sa lahat ng mga nag-ambag para maisakatuparan ang isa na namang matagumpay na outreach para sa ating mga kababayan.