Donation to Senior Citizens

Poblacion 1, Naujan- Batang Naujan sa Poblacioon 1 naghatid ng tulong sa kanilang mga nakatatanda.

Naghatid kanina ng tulong ang nasabing grupo sa mga Senior Citizens ng kanilang barangay kanina sa mismong opisina ng Senior Citizens Association sa nasabi ring barangay. Sa pangunguna ni Raymundo Reyes at Rex Bautuista, inihatid ng grupo ang dalawang bagog orbit fans na nauna nag ini-request ng mga matatanda sa grupo.

Anila, ay lubha na silang naiinitan sa tuwinang sila ay magpapamiting sa kanilang opisina kung kaya nakuha nilang lumapit sa Batang Naujan para rito.

Nagkaroon naman ng kaunting kwentuhan ang mga matatanda at ang grupo sa sitwasyon ng kanilang barangay.