Community Outreach sa Masaguing

Masaguing, Naujan – Naging isang napakasayang okasyon sa mga residente ng Brgy. Masaguing ang pagbisita ng Batang Naujan sa kanilang lugar.

Sa pakikipagtulungan ng Naujan Munisipal Police, naging napakasaya ng naging Outreach ng grupong Batang Naujan sa kanilang lugar na bukod sa pamamahagi ng libreng gamot, tsinelas atbp, nagkaroon din ng mga palaro para sa mga kabataang mag-aaral sa kanilang barangay. Nagkaroon din ng mga salu-salo sa pagitan ng grupo at mga residente.

Laking pasasalamat din ng grupo kay Dr. Annalyne Capote na syang nagdala ng mga gamot at nagbigay din ng mga libreng konsultasyong medikal sa mga taga roon.