CCTV Project Para sa Brgy. Poblacion 2
|Brgy. Poblacion 2, Naujan – Pormal na pong naihatid sa Brgy. Poblacion 2 ang mga naunan nag nai install na CCTV system. Inihatid ng Batang Naujan officials ang Certificate of Donation kay Brgy. Captain Rowen Asinas.
Inihatid ng mga opisyales ng nasabing grupo sa pangunguna nina Bb. Jayne Watiwat Jayne Enyaj at Edzel Genteroy ang Certificate of Donation sa Brgy. Poblacion 2 officials.
Kabilang sa mga naihatid ng grupo ay ang 8 pcs CCTV IP Ccamera 2.0mp, 4pcs station antenna, 1pc. Access point antenna, 1 CCTV Monitor 16channels nvr, 2tb surveillance hard drive at mga Cables and Poles na nagkukunekta sa mga camera sa main system. Ang kabuoang proyekto ay nagkakahalaga ng 95K na nagmula sa mga supporters ng grupo.
Matatandaang nakipag-ugnayan sa Batang Naujan si Poblacion Dos Kap. Rowen Asinas upang makapag-raise ng pondo ang grupo para pagkakaroon ng CCCTV sa naturang barangay upang mas mapagtibay pa ang seguridad sa kanila. Nakapaghatid naman ng minimum na 8 CCTV cameras ang Batang Naujan sa mga pangunahing lugar sa barangay. Ang proyekto pong ito ay nagkakahalaga ng 95K.
Sa kasalukuyan naman ay kasalukuyang nagsu survey ang grupo para sa pagkakabit nbg CCTV system sa mga barangys ng Pinagsabangan 1 at Pinagsabangan 2 na pawang mga nasa Highway sa bayan pa rin ng Naujan.
2 Responses
Daniel
Still proud about CCTV, but soone we have cameras everywhere and I am not sure if you will still be happy about it.
PROMOTOR
Why not?