BN Center, Binuksan
|Abril 7, 2018 – Pormal nang pinasinayaan ng grupong Batang Naujan ang kanilang kauna-unahang Community Center sa Brgy. Pinagsabanagan 1 sa bayan ng Naujan kamakailan.
Unang paghahandog ay ang pagsasagawa ng Summer Program para sa mga kabataang Naujeno na may pinamagatang “Little Angels, The Ambassador’s” kung saan may 30 mga kabataan edad 7-12 ang magsisidalo tuwing araw ng Sabado at Linggo sa nasabing center.
Ang nasabing summer program ay pangungunahan ng kanilang magiging resident teacher na si Mrs. Racquel Geneta na syang magtuturo sa larangan ng English. Reading at Virtues Classes.
Mayroon ding Math Class na pangungunahan ni Delmar Dinglasan at ni Resty Dalisay na isang katatapos lamang sa kolehiyo na Cum Laude at may degree na B.S. Math. Mayroon ding Music and Acting Classes na pangunguhanan ni Marco Bellucci at Values Formation naman na pangungunahan ng BN Member na si Josiphine Miralles.
Nagpapasalamat naman ang Batang Naujan sa ating walang kapagurang volunteers sa pangunguna ni BN Komite Sentral Jayne Watiwat, mga BN membersa nasabing barangay, kina Marco Bellucci, Erica Mae Bellucci, Phine Miralles, Leslie Miller, Ruby Garing, Benjie Garing, at mga myembro ng Naujan Police
Pasasalamat din sa lahat ng nagsipaghandog mga tulong upang maitayo ang Community Center na ito at ang nasabing Summer Program:
Ito ay sina Carl at Flora Stefan ng EOFO-EOTO, ARDCI
RMP, Cora G, Jason Medrano, Christina Jayag-Goldoff, Myuong Kyu Seong, Raymundo Reyes, Edzel Genteroy, Ding Landicho, Bellaflor Garing, Editha Cuasay
Maraming Salamat at Mabuhay po kayo!