Bagong Saklay Para sa Batang Mag-Aaral

Del, Pilar, Naujan – Naihatid ng po natin kay Jemar de Gala, 10 taong gulang na mag-aaral sa Del Pilar Elementary School Annex sa Brgy. Del Pilar, Naujan ang bagong saklay na magagamit nito upang makapasok sa eskwela.

Si Jemar ay kasalukyang nag-aaral sa nasabing eskwelahan at bunga ng kanyang kapansanan ay hirap pumasok. Sa tulong ng mga kaibigan at kaklase, sya ay binubuhat lamang papasok at pauwi mula sa nasabing paaralan.

Kamakailan ay inilapit ni Ma’am Lorna Hernandez Berguera ang kalagayan ni Jemar sa Batang Naujan. Mabilis naman ang tugon ng ating mga myembro at agad naibili si Jemar ng bagong saklay. Ito rin ay kinakailangan munang ayusin upang maitugma sa kanyang laki. Naghatid din ang grupo ng mga groceries at BN Supply Pack.

Salamat sa mga nag-ambag para sa gastusin at pag-aasikaso para rito sa pangunguna ni BN Komite Sentral officers Jayne Enyaj Watiwat, Josephine Dinglasan Miralles, Kay Ginoong Dexter para sa groceries, kay Bb. Dhessie Constantino Atienza sa saklay, sa Crystal Glass para sa pagpapa-ayos ng saklay. Higit sa lahat, salamat sa mga kaibigan, kaklase at mga guro ni Jemar sa pag-alalay sa kapwa natin Batang Naujan. Salamat po sa inyo!