Bagong CCTV System sa Brgy. Poblacio Uno, Naikabit Na
|Poblacion 1, Naujan- Naikabit na rin sa wakas ang CCTV system na naipangako para sa Barangay Poblacion 1, sa bayan ng Naujan.
Ilang araw bago sumapit ang kapistahan, naikabit na rin ang inaasahang bagong CCTV System na naipangako ng grupong Batang Naujan sa pangunahing barangay ng nasabing bayan.
8 bagung bagong CCTV Cameras ang naipakabit ng grupo sa nasabing barangay na kasama ang mga opisyales ng barangay sa pangunguna ni Brgy. Capt Elner Evora at Konsehal Rod Bermudez.
Ang nasabing CCTV system ay hatid na tulong ng grupo upang makatulong sa peace and order ng mga barangay.
Ang nasabing CCTV system ay umaabot sa 110K na gastusin na nagmula sa pinagsama-samang ambagan ng mga kasapi at tagasuporta ng nasabing grupo at inihahatid ng libre para sa nasabing barangay. Ito ay upang mas magamit pa ng barangay ang kaunti nitong pondo para sa iba pang mga bagay.
Matatandaang nagkaroon ng Memorandum of Agreement ang grupong Batang Naujan at ang nasabing Barangay noong nakaraang Pebrero taong kasalukuyan hinggil sa tulong na ito.
Nagpapasalamat naman si Kapitan Evora sa hatid na tulong ng Batang Naujan upang mas kanilang mapangalagaan ang kanilang nasasakupan.
“Salamat po ng marami sa Batang Naujan at abot abot kami sa pistang bayan,” pahayag ni Kapt. Evora.
Ang CCTV Project ng Batang Naujan ay naglalayong makabitan ng mga CCTV ang maraming barangay sa nasabing bayan at ang magkaroon ng isang centralized monitoring unit ang nasabing bayan katulong ang mga mamamayan, lokal na pamahalaan at kapulisan.