Bagong CCTV System, Naikabit na sa Brgy. Pinagsabangan 2
|Pinagsabangan 2, Naujan – Matapos makabitan ng bagong CCCTV System ang kanugnog na barangay ng Pinagsabangan 1, naisunod na ring makabitan ang Brgy. Pinagsabangan 2.
Matapos magkapirmahan ng Memorandum of Agreement noong nakaraang Enero 22, 2019 sa pagitan ng grupong Batang Naujan at ng opisyales ng nasabing barangay sa pangunguna ni Kapitan Rogelio Pagkaliwagan, agad namang inumpisahan ang pagsasaayos at pagpapakabit ng kanilang bagong CCTV system.
Ang mga gamit na naikabit sa nasabing barangay ay ang mga sumusunod:
8pcs Outdoor 2amp Power Supply , 1pc NVR 16 channels, 1 pc Surveillance HDD 2tb, 1 pc 19″ CCTV Monitor, 3 pcs AC M5 300 Antenna, 1 pc Airmax AC Antenna, 8pcs – Ports Switch Hub, 1pc POE Switch 4ports, 500 Meters Outdoor UTP Cable, 3pcs CCTV Bracket, 1pc CCTV Rack at 8pcs CCTV Boxes.
Ngayon ay fully operational na ang bagong bagong CCTV System ng barangay.
Naisakatuparan naman ang nasabing proyekto sa pamamagitan ng mahusay na pakikipag-ugnayan ng pamahalaang barangay sa pangunguna ni Kap. Pagkaliwagan, at mga myembro ng Batang Naujan sa nasabing barangay at sa tulong na rin ng nakuha nilang sponsor para rito na nagpakilala lamang sa pangalang Romano Magtanggol.
Ang naturang proyekto ay nagkakahalaga ng 120,000 pesos kung saan ang Batang Naujan ang sumagot ng 70,00 pesos na gastusin habang 50,000 pesos naman ang naging counterpart ng nasabing barangay.
Inihatid naman ang Certificate of Donation sa Brgy. Pinagsabangan 1 Chairman Rogelio Pagkaliwagan ng grupong Batang Naujan sa pangunguna ni Jayne Watiwat kanina lamang sa opsisina ng barangay.