Alalay sa Inarawan
|Brgy. Inarawan, Naujan – Sama-samang nagtungo ng grupong Batang Naujan sa isang komunidad sa nasabing barangay upang umalalay sa isang kasamang organisasyon doon.
Walang pagod na binagtas ng grupo ang daan patungo sa Brgy. Inarawan upang umalalay sa samahan ng Each One Teach One, Each One Feed One (EOTO-EOFO) na nakabase duon na pinamumunuan ng mag-asawang Carl at Flora Stefan.
Ang samahan ay matagal nang tumutulong sa nasabing komunidad sa larangan ng pagpapalawak ng kaalaman at kamalayan ng mga kabataan duon at ng kanilang mga magulang. Mayrooon din silang mga scholarship sa mga kabataan duon at micro-financing program.
Layon ng EOTO-EOFO na mas mapalawak pa ang kamalayan ng kanilang mga myembro at magkaroon pa ng mga dagdag na capability-training sa mga ito upang matuto silang magkaroon ng alternatibong pagkukunan ng mga pagkakakitaan.
Bukod sa Batang Naujan, kasama din sa naturang pagsasma-sama si JayMark Bacay ng Negosyo Center ng Naujan at Dept. of Trade and Industry upang makapagibgay ng mga dagdag na kaalaman.