2nd Batang Naujan 10-Ball Challenge
|Barcenaga, Naujan – Bilang pakikiisa sa kapistahan ng Brgy. Barcenaga, itinanghal ng Batang Naujan ang 2nd batang Naujan 10-Ball Challenge kasama anhg kapulisan at opsiyales ng nasabing barangay.
Ang mga palaro ay nagsimula nuong Oktubre 22 at nagtapos nuong Oktubre 24.
Sa mahigit 40 na kalahok mula sa iba’t ibang barangays ng Naujan, nagkampeyon si JC Bacay ng Barcenaga na nakasungkit ng premyong 4K pesos at isang electric fan. Ang iba pang mga nagwagi ay sina Joseph Manalo ng Pinagsabangan 2 (1st Place, 3K Cash Prize at electric fan), Ping Aseron ng Brgy. Poblacion 1 (2nd Place, 2K Cash Prize), at Dayo Santos ng Poblacion 3 (1K Cash Prize).
Ang nasabing patimpalak ay inorganisa ng Batang Naujan at Naujan Municipal Police sa pangunguna ng Batang Naujan-Barcenaga Chapter Chairperson Venus Jynsen Marasigan kasama ang kapulisan sa pamamagitan ni Jerlon Bacay Asinas RC, Punong Barangay ng nasabing barangay na si Allan M. Balbacal at si Bokal Hon. Marion Francis DF Marcos. Ito ay idnaos sa bilyaran ni Manong Gil. Dahil naging matagumpay ang nasabing torneo, inaasahang magkakaroon pa ng mga susunod na mga billiard tournament sa bayan ng Naujan upang mas makilala pa ang galling ng mga tagarito sa larangan ng bilyar.