1st Batang Naujan Cup

Poblacion, Naujan – naging matagumpay ang kauna-unahang Batang Naujan Cup na isinagawa ng Batang Naujan sa pakikipagtulungan sa ating lokal na kapulisan.

Ang nasabing paliga ay may temang “Pampalakasan sa Bayan Upang Droga ay Iwasan” ay inorganisa sa pangunguna ng ating lokal na Municipal Drug Abuse Council (MADAC), Batang Naujan, at lokal na pulisya.

Ang nasabing paliga ay ginanap sa Mena G. Valencia Stadium sa bayan ng Naujan at sinalihan ng siyam na mga koponan sa bayan ng Naujan.

Umabot naman sa kahigit 30K ang mga papremyo sa mga nagwagi.