KapitBahayan sa Pinagsabangan Part 1

Nagpapasalamat naman ang Batang Naujan sa Pasasalamat sa lahat ng nakilahok at sa ating major sponsor na nagpakilalalang “Danemark”.

Date:

March 5, 2017

Barangay:

Pinagsabangan 1

Recipient:

Tamayo Family

Programa:

KapitBahayan

KapitBahayan sa Pinagsabangan 1 Part 1

Pinagsabangan 1, Naujan – Patuloy ang pag arangkada ng grupong Batang Naujan sa kanilang programang KapitBahayan.

Muli na namang nagtayo ng bagong bahay ang grupo para sa mga kababayan nating walang kakayanan. Ang pamilya tamayo ay may maliit na barung barong na nakatirik sa malapit sa ilog sa nasabing barangay. Lalo pang pinahirap ang kanilang sitwasyon ng hagupitin ito ng dalawang nagdaang bagyo. Kung kaya sila ang isa sa napiling maging isa sa mga recipient ng programang kapitBahayan ng Batang Naujan.

Sa ngayon ay matiwasay na sila sa kanilang bagamat maliit ay maayos at bagong tahanan.

READ MORE…