Hatid Tulong sa Cancer Survivor
Nag-Iba 2, Naujan – Nagtungo ang Batang Naujan sa nasabing barangay upang kumustahin ang isa nating kababayan na kasalukuyang nakikipaglaban sa sakit na Kanser.
Si Jeremy Arcan ng Putol, Brgy. Nag-Iba II, ay nagkaroon ng matinding sakit at kasalukuyan pa ring nagpapagaling. Nagpauna naman ang grupo ng pinansyal na tulong at mga groceries upang kahit papaano ay maibsan ang kanilang pag-aalala sa mga gastusin. Nakipag-Ugnayan din ang grupo kung papaanong mas matutulunan ang pamilya sa pamamagitan ng pagbibigay ng scholarship sa isa nitong anak.